Martes, Agosto 23, 2011
Si P-noy para sa mga Pinoy!
Para sa akin, maayos ang kanyang pamamalakad bilang pangulo ng Pilipinas. Nakikita ko ang ilang pagbabago tulad na lang nang pag-aalis ng wangwang sa mga di karapat-dapat gumamit nito. Gayundin ang ilang pagbabago sa ating bansa dahil kahit paano nagkaroon na ng trabaho ang ilang tao na walang trabaho noon. Nabawasan na rin ang bilang ng mga taong nagugutom! Pero para sa akin hindi pa sapat ang lahat ng ito dahil sa tingin ko mahirap pa rin ang ating bansa at kung ikukumpara natin ang ating bansa sa iba, malayo pa rin tayo sa kanila.Gusto ko sana na lahat ng mga estudyanteng makakapagtapos ay makakuha agad ng trabaho para hindi na mapilitan ang iba na makipagsapalaran sa ibang bansa!Gayundin, matugunan na ang mga hinaing ng mga taong inaabuso ng mga taong makapangyarihan. Umunlad na sana ang ating bansa at alam kong mangyayari lang ito kung magkakaisa tayong lahat.Lagi rin sana nating tandaan na nasa ating sariling mga kamay ang inaasam nating tagumpay!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento