Lunes, Oktubre 3, 2011

Para kay Sir Jayson

Dear Sir Jayson,

               Hello po. Salamat po sa lahat Sir ha? Salamat po sa magaling na pagtuturo ninyo sa amin tunay na marami kaming natutuhan.Salamat po sa saya na palagi ninyong ibinibigay tuwing klase, walang klaseng hindi kami tumatawa. Salamat din po dahil hindi ninyo kaming masyadong pinahirapan sa subject na ito, sakto lang  haha.Sana Sir hindi kayo magbago at sana maging teacher pa rin namin kayo sa susunod,sana! Wala na po akong masabi. Ingat na lang po lagi. Tnx po ulit!                                                                                                                                                                                      

                                                                                                                                         Lanie



Ang Aking Mga Karanasan Sa Filipino 110

           Marami akong nalaman sa subject na ito. Marami akong natutuhan. Para sa akin napakaraming mga karanasan na talagang masasaya. Kasi kung tutuusin walang klase na hindi lahat tumatawa, eh palagi ba namang ma\nagpapatawa si sir! Merong magookray siya,merong magpapahiya siya basta masaya talaga sa klaseng ito.Hindi man lang dumating sa point na kakabahan ako dahil hindi ako nagreview basta okay lang kasi hindi kami pinipressure ni sir pagdating sa mga quiz o exams.Okay lang din na malate' buti na lang mabait talaga si Sir Jayson haha... Ito lang masasabi ko. Bye Filipino 110 sana pumasa kaming lahat! hehe....

Ang Sining Ng Aking Pangalan

                               L  -ikha ako sa likas na kabaitan
                        A  -ko'y iba tiyak na maiibigan
                        N  -giti saking labi kinagigiliwan
                         I  -sang ngiti ko lang,nginingitian
                      E -wan ko ba? Ito aking pangalan!

Martes, Agosto 23, 2011

Si P-noy para sa mga Pinoy!

Para sa akin, maayos ang kanyang pamamalakad bilang pangulo ng Pilipinas. Nakikita ko ang ilang pagbabago tulad na lang nang pag-aalis ng wangwang sa mga di karapat-dapat  gumamit nito. Gayundin ang ilang pagbabago sa ating bansa dahil kahit paano nagkaroon na ng trabaho ang ilang tao na walang trabaho noon. Nabawasan na rin ang bilang ng mga taong nagugutom! Pero para sa akin hindi pa sapat ang lahat ng ito dahil sa tingin ko mahirap pa rin ang ating bansa at kung ikukumpara natin ang ating bansa sa iba, malayo pa rin tayo sa kanila.Gusto ko sana na lahat ng mga estudyanteng makakapagtapos ay makakuha agad ng trabaho para hindi na mapilitan ang iba na makipagsapalaran sa ibang bansa!Gayundin, matugunan na ang mga hinaing ng mga taong inaabuso ng mga taong makapangyarihan. Umunlad na sana ang ating bansa at alam kong mangyayari lang ito kung magkakaisa tayong lahat.Lagi rin sana nating tandaan na nasa ating sariling mga kamay ang inaasam nating tagumpay!

Huwebes, Agosto 18, 2011

Huwebes, Agosto 18 2011

Ang Awit ng aking Buhay

"Iingatan ka"

Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo
may gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
ng buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na

Sana'y di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay madarapa
minsan din ay iluluha
Di ka na maninindim
pagkat sa buhay mo
ay may nagmamahal pa rin

Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'tin mundo
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na

Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'tin mundo
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na 

Pinili ko ito dahil gusto kong malaman ni Mama na mahal na mahal ko siya. Nagpapasalamat ako dahil siya ang naging mama ko. Ramdam ko ang pagmamahal na ibinibigay niya sa amin, lalu na't nasa ibang bansa siya para magtrabaho at mapag-aral kaming magkakapatid. Napakahirap ng walang Mama sa tabi kaya kahit mahirap tanggapin iniisip ko na lang na para rin sa aming magkakapatid  kung bakit wala si Mama sa tabi namin. Alam kong napakahirap malayo sa mga minamahal mo kaya naman naaawa kay Mama. Mis na mis ko na ang Mama ko kaya naman inaalay ko ang kantang ito para sa kanya. Ang tanging paraan lang para matulungan ko siya ay ang makapagtapos ako ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho para masuklian ko ang lahat ng pawis nila ni Papa.

Sampung Taon Mula Ngayon Heto na Ako

Huwebes, Agosto 18 2011

Sampung taon Mula Ngayon, Heto na ako!

 

        Sampung taon mula ngayon,siguro ito na ang kalagayan ko. Bc sa trabaho, kung saan nakikipagsapalaran na sa ikot ng buhay! Siguro kung saan-saan na ako  nakarating sa iba't-ibang bansa. Mayroon na akong sariling bahay,kotse saka lupa! Mabibili ko na rin lahat ng gusto ko. Saka meron na siguro akong sariling business. Sampung taon mula ngayon eh di 27 na ako, baka may asawa't anak na ako nun. Sa mga oras na iyon,maibibigay ko na lahat ng pangangailangan ng mga magiging anak ko. Pwede kaming pumunta kahit saan,kumain ng iba't-ibang masasarap na pagkain. Isa sa mga pupuntahang naming bansa ay sa Europe,Canada,Japan at maraming pang iba. Bibili rin ako ng sarili kong bukid!
        Matutulungan ko na rin ang mga kamag-anak ko pati na rin yung ibang mga tao! Siyempre hindi ko makakalimutang tulungan ang mga matatalik kong kaibigan. Siyempre dapat ko ring tandaan na hindi ako magbabago, kung ano ang tingin nila sa akin noon, magiging ganun pa rin ako. Ayokong dumating sa punto na maging iba ang tingin nila sa akin dahil lang sa kung ano ang narating ko. 
           Sana hindi lang ito isang panaginip. Siyempre mangyayari ito kung gugustuhin ko talaga,kung lalakipan ko ng gawa sa pamamagitan nga ng pagsisikap na makapagtapos ng pag-aaral. Kaya magtitiwala ako sa sarili ko na kaya kong makamtan  ang lahat ng ito! Gagawin kong inspirasyon ang pamilya't iba ko pang mga mahal sa buhay para makamtan ito siyempre higit sa lahat ang paghingi ng tulong sa Diyos Ama!

Miyerkules, Agosto 17, 2011

Si Crush


Miyerkules, Agosto 17 2011

Siya ang crush ko,siya si Robi Domingo.Ang cute niya! haha. Para sa akin simple lang siya saka masayahing tao. Sa tuwing ngumingiti siya kinikilig ako sobra! Una ko siyang napansin noong mapanood ko siya sa MYX, ewan ko ba ang cute niya kasi eh,haha. Tapos nung tumagal na,dumami na mga palabas niya at lahat yun sinubaybayan ko. Tapos may nalaman pa ako sa kanya, magaling pala siyang sumayaw,ang dami niyang mga katangian na talagang gustong-gusto ko! Sana makita ko siya sa personal,siguro napakasaya ko kung mangyayari yun,haha! Pero, parang hanggang pangarap lang yata yun eh. Basta crush ko siya hindi na magbabago yun! haha....