Martes, Agosto 23, 2011
Si P-noy para sa mga Pinoy!
Para sa akin, maayos ang kanyang pamamalakad bilang pangulo ng Pilipinas. Nakikita ko ang ilang pagbabago tulad na lang nang pag-aalis ng wangwang sa mga di karapat-dapat gumamit nito. Gayundin ang ilang pagbabago sa ating bansa dahil kahit paano nagkaroon na ng trabaho ang ilang tao na walang trabaho noon. Nabawasan na rin ang bilang ng mga taong nagugutom! Pero para sa akin hindi pa sapat ang lahat ng ito dahil sa tingin ko mahirap pa rin ang ating bansa at kung ikukumpara natin ang ating bansa sa iba, malayo pa rin tayo sa kanila.Gusto ko sana na lahat ng mga estudyanteng makakapagtapos ay makakuha agad ng trabaho para hindi na mapilitan ang iba na makipagsapalaran sa ibang bansa!Gayundin, matugunan na ang mga hinaing ng mga taong inaabuso ng mga taong makapangyarihan. Umunlad na sana ang ating bansa at alam kong mangyayari lang ito kung magkakaisa tayong lahat.Lagi rin sana nating tandaan na nasa ating sariling mga kamay ang inaasam nating tagumpay!
Huwebes, Agosto 18, 2011
Huwebes, Agosto 18 2011
Ang Awit ng aking Buhay
"Iingatan ka"
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo
may gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
ng buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na
Sana'y di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay madarapa
minsan din ay iluluha
Di ka na maninindim
pagkat sa buhay mo
ay may nagmamahal pa rin
Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'tin mundo
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na
Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'tin mundo
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo
may gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
ng buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na
Sana'y di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay madarapa
minsan din ay iluluha
Di ka na maninindim
pagkat sa buhay mo
ay may nagmamahal pa rin
Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'tin mundo
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na
Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'tin mundo
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na
Pinili ko ito dahil gusto kong malaman ni Mama na mahal na mahal ko siya. Nagpapasalamat ako dahil siya ang naging mama ko. Ramdam ko ang pagmamahal na ibinibigay niya sa amin, lalu na't nasa ibang bansa siya para magtrabaho at mapag-aral kaming magkakapatid. Napakahirap ng walang Mama sa tabi kaya kahit mahirap tanggapin iniisip ko na lang na para rin sa aming magkakapatid kung bakit wala si Mama sa tabi namin. Alam kong napakahirap malayo sa mga minamahal mo kaya naman naaawa kay Mama. Mis na mis ko na ang Mama ko kaya naman inaalay ko ang kantang ito para sa kanya. Ang tanging paraan lang para matulungan ko siya ay ang makapagtapos ako ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho para masuklian ko ang lahat ng pawis nila ni Papa.
Sampung Taon Mula Ngayon Heto na Ako
Huwebes, Agosto 18 2011
Sampung taon Mula Ngayon, Heto na ako!
Sampung taon mula ngayon,siguro ito na ang kalagayan ko. Bc sa trabaho, kung saan nakikipagsapalaran na sa ikot ng buhay! Siguro kung saan-saan na ako nakarating sa iba't-ibang bansa. Mayroon na akong sariling bahay,kotse saka lupa! Mabibili ko na rin lahat ng gusto ko. Saka meron na siguro akong sariling business. Sampung taon mula ngayon eh di 27 na ako, baka may asawa't anak na ako nun. Sa mga oras na iyon,maibibigay ko na lahat ng pangangailangan ng mga magiging anak ko. Pwede kaming pumunta kahit saan,kumain ng iba't-ibang masasarap na pagkain. Isa sa mga pupuntahang naming bansa ay sa Europe,Canada,Japan at maraming pang iba. Bibili rin ako ng sarili kong bukid!
Matutulungan ko na rin ang mga kamag-anak ko pati na rin yung ibang mga tao! Siyempre hindi ko makakalimutang tulungan ang mga matatalik kong kaibigan. Siyempre dapat ko ring tandaan na hindi ako magbabago, kung ano ang tingin nila sa akin noon, magiging ganun pa rin ako. Ayokong dumating sa punto na maging iba ang tingin nila sa akin dahil lang sa kung ano ang narating ko.
Sana hindi lang ito isang panaginip. Siyempre mangyayari ito kung gugustuhin ko talaga,kung lalakipan ko ng gawa sa pamamagitan nga ng pagsisikap na makapagtapos ng pag-aaral. Kaya magtitiwala ako sa sarili ko na kaya kong makamtan ang lahat ng ito! Gagawin kong inspirasyon ang pamilya't iba ko pang mga mahal sa buhay para makamtan ito siyempre higit sa lahat ang paghingi ng tulong sa Diyos Ama!
Miyerkules, Agosto 17, 2011
Si Crush
Miyerkules, Agosto 17 2011
Siya ang crush ko,siya si Robi Domingo.Ang cute niya! haha. Para sa akin simple lang siya saka masayahing tao. Sa tuwing ngumingiti siya kinikilig ako sobra! Una ko siyang napansin noong mapanood ko siya sa MYX, ewan ko ba ang cute niya kasi eh,haha. Tapos nung tumagal na,dumami na mga palabas niya at lahat yun sinubaybayan ko. Tapos may nalaman pa ako sa kanya, magaling pala siyang sumayaw,ang dami niyang mga katangian na talagang gustong-gusto ko! Sana makita ko siya sa personal,siguro napakasaya ko kung mangyayari yun,haha! Pero, parang hanggang pangarap lang yata yun eh. Basta crush ko siya hindi na magbabago yun! haha....Ako bilang Isang Bagay!
Huwebes, Agosto 11 2011
Ako Bilang Isang Bagay
Bilang isang bagay, ako'y isang "lapis",bakit? Kasi para sa akin hindi makakatayo ang isang lapis kung walang hahawak nito. Parang ako, bilang isang kabataan na nakadepende pa sa mga magulang ay marapat na sundin kung ano ang mga dapat kong gawin.Hindi lang para sa kanila kundi para na rin sa akin. may kasabihan nga na walang ibang gusto ang ating mga magulang kundi ang makabubuti sa atin. Kung susuriin natin ang isang lapis mayroon itong panulat na matulis kung saan magagamit natin sa ibat-ibang paraan, na nagsisilbi namang aking lakas. Alam natin na nauubos din ang tasa nito pero gamit ang pantasa babalik ulit ang tulis nito at muling mapakikinabangan. Tulad ko, may pagkakataong nawawalan din ako ng lakas sa tuwing napapaharap sa mga problema pero sa tulong ng mga mahal sa buhay at mga kaibigan na nagsisilbing pantasa sa aking buhay ang tumutulong para harapin ko at magbalik ang dati kong lakas. Kaya para sa akin ako'y isang lapis bilang isang bagay!
Ang Aking Pamilya
SABADO, HULYO 23 2011
Ang Aking Pamilya
Papa ko
Ito ang aking pamilya. Simple pero masaya. Ang pangalan ng papa ko ay Ramon Buenaventura.Siya ay apatnaput-apat na taon na. Ang kanyang trabahoay Trycyle driver. Mabait siya pero iba kung magalit. Ang pangalan naman ng mama ko ay Rhoda Buenaventura. Siya ay tatlumput-walo na. Nagtatrabaho siya ngayon sa ibang bansa sa Singapore, bale mag-aapat na taon na siya roon. Sa totoo lang mis na mis ko na ang mama ko,haha.
Ako ang panganay sa aming magkakapatid. Sinundan naman ako ni Monic. Siya ay labing-apat na taon na.Nasa ikatlong baitang na siya sa hayskul.
Ang sumunod naman sa kniya ay si Paolo. Nagiisa siyang lalaki. Siya ay
labingdalawang taon na. Nasa unang baitang naman siya sa hayskul. Parehas
silang nagaaral ni Monic sa Core Gateway College. Ang bunso naman namin ay si Coleen. Siya ay sampung taon na. Nasa ikaapat na baitang naman siya sa
elementarya. Nag-aaral siya ngayon sa San Jose West Central School.
Si Coleen ang pinakamalapit sa akin sa aming magkakapatid. Ang mortal ko namang kaaway ay si Monic,ewan ko ba lagi kaming nagaaway ng babaing iyon. At si Paolo naman ang pinakamatigas ang ulo sa
aming lahat. Para sa akin mapalad ako na sila ang mga naging kapatid
ko kasi masaya ako kapag kasama ko sila. Muli, ito ang aking pamilya. Ang
pinagmamalaki kong pamilya!
coleen
Monica

Paolo
ako
Mama ko
.
Ang Lahat Tungkol sa Akin
Huwebes, Hulyo 21 2011
Ang Lahat Tungkol sa Akin
Ako si Lanie Gathola Buenaventura. Labing pitong taong gulang na ako. Nakatira ako sa Sto.ñino 2nd San jose City Nueva Ecija. Pinanganak ako noong Marso 27,1994. Ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid. .Nagtapos ako ng pagaaral ng elementarya sa San Jose West Central School. Nagtapos naman ako nang pagaaral sa hayskul sa Core Gateway Colloge.Nasa ikalawang baitang na ako sa kolehiyo na sa kasalukuyang nagaaral sa Central Luzon State University. Masayahin akong tao na maaaring mapagkatiwalaan ninuman. Pwede akong asahan sa oras ng kagipitan. Madali rin akong lapitan kung may nangangailangan ng aking tulong. Masaya ako kapag kasama ko ang aking pamilya at malalapit na kaibigan. Marami akong mga kaibigan na talaga namang maasahan sa oras na kailangan ko sila tulad nina rica,sherrylou,lovely at loisa tunay na ipinagmamalaki ko sila! Marami rin akong hilig gawin tulad na lang ng paglalaro ng badminton, manood ng tv, magbasa kung minsan, magluto,kumain at higit sa lahat ang matulog. Marimi rin akong ayaw gawin tulad na lang ng maglibot,maglaba at magtxt, kasi para sa akin nakakatamad gawin ang mga ito. Ang paborito kong mga ulam ay adobong manok,kinamatisan na baka,sitaw na itim,sisig at inihaw na bangus. Sa panghimagas naman mahilig ako sa matatamis tulad na lang ng ice cream,cake,leche flan saka fruit salad. Ang pinakaayaw ko naman sa lahat ng pagkain ay ang hito ewan ko ba dahil sa tuwing isusubo ko na ito hindi ko talaga malunok, haha.
Marami akong pangarap, siyempre ang makapagtapos ako ng pagaaral para matulungan ko na ang aking pamilya. Kaya naman nagsisikap ako kahit alam naman nating lahat na mahirap mag-aral,pinaghahawakan ko nga ang kasabihang "kapag may tiyaga may nilaga" haha. Hanggang dito na lang,nasabi ko na yata ang lahat tungkol sa akin eh.Paalam! Haha.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)








