SABADO, HULYO 23 2011
Ang Aking Pamilya
Papa ko
Ito ang aking pamilya. Simple pero masaya. Ang pangalan ng papa ko ay Ramon Buenaventura.Siya ay apatnaput-apat na taon na. Ang kanyang trabahoay Trycyle driver. Mabait siya pero iba kung magalit. Ang pangalan naman ng mama ko ay Rhoda Buenaventura. Siya ay tatlumput-walo na. Nagtatrabaho siya ngayon sa ibang bansa sa Singapore, bale mag-aapat na taon na siya roon. Sa totoo lang mis na mis ko na ang mama ko,haha.
Ako ang panganay sa aming magkakapatid. Sinundan naman ako ni Monic. Siya ay labing-apat na taon na.Nasa ikatlong baitang na siya sa hayskul.
Ang sumunod naman sa kniya ay si Paolo. Nagiisa siyang lalaki. Siya ay
labingdalawang taon na. Nasa unang baitang naman siya sa hayskul. Parehas
silang nagaaral ni Monic sa Core Gateway College. Ang bunso naman namin ay si Coleen. Siya ay sampung taon na. Nasa ikaapat na baitang naman siya sa
elementarya. Nag-aaral siya ngayon sa San Jose West Central School.
Si Coleen ang pinakamalapit sa akin sa aming magkakapatid. Ang mortal ko namang kaaway ay si Monic,ewan ko ba lagi kaming nagaaway ng babaing iyon. At si Paolo naman ang pinakamatigas ang ulo sa
aming lahat. Para sa akin mapalad ako na sila ang mga naging kapatid
ko kasi masaya ako kapag kasama ko sila. Muli, ito ang aking pamilya. Ang
pinagmamalaki kong pamilya!
coleen
Monica

Paolo
ako
Mama ko
.





Walang komento:
Mag-post ng isang Komento