Huwebes, Agosto 18, 2011

Huwebes, Agosto 18 2011

Ang Awit ng aking Buhay

"Iingatan ka"

Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo
may gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
ng buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na

Sana'y di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay madarapa
minsan din ay iluluha
Di ka na maninindim
pagkat sa buhay mo
ay may nagmamahal pa rin

Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'tin mundo
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na

Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'tin mundo
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na 

Pinili ko ito dahil gusto kong malaman ni Mama na mahal na mahal ko siya. Nagpapasalamat ako dahil siya ang naging mama ko. Ramdam ko ang pagmamahal na ibinibigay niya sa amin, lalu na't nasa ibang bansa siya para magtrabaho at mapag-aral kaming magkakapatid. Napakahirap ng walang Mama sa tabi kaya kahit mahirap tanggapin iniisip ko na lang na para rin sa aming magkakapatid  kung bakit wala si Mama sa tabi namin. Alam kong napakahirap malayo sa mga minamahal mo kaya naman naaawa kay Mama. Mis na mis ko na ang Mama ko kaya naman inaalay ko ang kantang ito para sa kanya. Ang tanging paraan lang para matulungan ko siya ay ang makapagtapos ako ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho para masuklian ko ang lahat ng pawis nila ni Papa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento