Huwebes, Hulyo 21 2011
Ang Lahat Tungkol sa Akin
Ako si Lanie Gathola Buenaventura. Labing pitong taong gulang na ako. Nakatira ako sa Sto.ñino 2nd San jose City Nueva Ecija. Pinanganak ako noong Marso 27,1994. Ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid. .Nagtapos ako ng pagaaral ng elementarya sa San Jose West Central School. Nagtapos naman ako nang pagaaral sa hayskul sa Core Gateway Colloge.Nasa ikalawang baitang na ako sa kolehiyo na sa kasalukuyang nagaaral sa Central Luzon State University. Masayahin akong tao na maaaring mapagkatiwalaan ninuman. Pwede akong asahan sa oras ng kagipitan. Madali rin akong lapitan kung may nangangailangan ng aking tulong. Masaya ako kapag kasama ko ang aking pamilya at malalapit na kaibigan. Marami akong mga kaibigan na talaga namang maasahan sa oras na kailangan ko sila tulad nina rica,sherrylou,lovely at loisa tunay na ipinagmamalaki ko sila! Marami rin akong hilig gawin tulad na lang ng paglalaro ng badminton, manood ng tv, magbasa kung minsan, magluto,kumain at higit sa lahat ang matulog. Marimi rin akong ayaw gawin tulad na lang ng maglibot,maglaba at magtxt, kasi para sa akin nakakatamad gawin ang mga ito. Ang paborito kong mga ulam ay adobong manok,kinamatisan na baka,sitaw na itim,sisig at inihaw na bangus. Sa panghimagas naman mahilig ako sa matatamis tulad na lang ng ice cream,cake,leche flan saka fruit salad. Ang pinakaayaw ko naman sa lahat ng pagkain ay ang hito ewan ko ba dahil sa tuwing isusubo ko na ito hindi ko talaga malunok, haha.
Marami akong pangarap, siyempre ang makapagtapos ako ng pagaaral para matulungan ko na ang aking pamilya. Kaya naman nagsisikap ako kahit alam naman nating lahat na mahirap mag-aral,pinaghahawakan ko nga ang kasabihang "kapag may tiyaga may nilaga" haha. Hanggang dito na lang,nasabi ko na yata ang lahat tungkol sa akin eh.Paalam! Haha.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento