Huwebes, Agosto 18, 2011

Sampung Taon Mula Ngayon Heto na Ako

Huwebes, Agosto 18 2011

Sampung taon Mula Ngayon, Heto na ako!

 

        Sampung taon mula ngayon,siguro ito na ang kalagayan ko. Bc sa trabaho, kung saan nakikipagsapalaran na sa ikot ng buhay! Siguro kung saan-saan na ako  nakarating sa iba't-ibang bansa. Mayroon na akong sariling bahay,kotse saka lupa! Mabibili ko na rin lahat ng gusto ko. Saka meron na siguro akong sariling business. Sampung taon mula ngayon eh di 27 na ako, baka may asawa't anak na ako nun. Sa mga oras na iyon,maibibigay ko na lahat ng pangangailangan ng mga magiging anak ko. Pwede kaming pumunta kahit saan,kumain ng iba't-ibang masasarap na pagkain. Isa sa mga pupuntahang naming bansa ay sa Europe,Canada,Japan at maraming pang iba. Bibili rin ako ng sarili kong bukid!
        Matutulungan ko na rin ang mga kamag-anak ko pati na rin yung ibang mga tao! Siyempre hindi ko makakalimutang tulungan ang mga matatalik kong kaibigan. Siyempre dapat ko ring tandaan na hindi ako magbabago, kung ano ang tingin nila sa akin noon, magiging ganun pa rin ako. Ayokong dumating sa punto na maging iba ang tingin nila sa akin dahil lang sa kung ano ang narating ko. 
           Sana hindi lang ito isang panaginip. Siyempre mangyayari ito kung gugustuhin ko talaga,kung lalakipan ko ng gawa sa pamamagitan nga ng pagsisikap na makapagtapos ng pag-aaral. Kaya magtitiwala ako sa sarili ko na kaya kong makamtan  ang lahat ng ito! Gagawin kong inspirasyon ang pamilya't iba ko pang mga mahal sa buhay para makamtan ito siyempre higit sa lahat ang paghingi ng tulong sa Diyos Ama!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento