Miyerkules, Agosto 17, 2011

Ako bilang Isang Bagay!


Huwebes, Agosto 11 2011

Ako Bilang Isang Bagay

          Bilang isang bagay, ako'y isang "lapis",bakit? Kasi para sa akin hindi makakatayo ang isang lapis kung walang hahawak nito. Parang ako, bilang isang kabataan na nakadepende pa sa mga magulang ay marapat na sundin kung ano ang mga dapat kong gawin.Hindi lang para sa kanila kundi para na rin sa akin. may kasabihan nga na walang ibang gusto ang ating mga magulang kundi ang makabubuti sa atin. Kung susuriin natin ang isang lapis mayroon itong panulat na matulis kung saan magagamit natin sa ibat-ibang paraan, na nagsisilbi namang aking lakas. Alam natin na nauubos din ang tasa nito pero gamit ang pantasa babalik ulit ang tulis nito at muling mapakikinabangan. Tulad ko, may pagkakataong nawawalan din ako ng lakas sa tuwing napapaharap sa mga problema pero sa tulong ng mga mahal sa buhay at mga kaibigan na nagsisilbing pantasa sa aking buhay ang tumutulong para harapin ko at magbalik ang dati kong lakas. Kaya para sa akin ako'y isang lapis bilang isang bagay!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento